Ang tagal pa ng election pero mga pulitiko nagsisimula nang magbrasuhan. may bumubuo na ng lineup. At ang mga nag-a-ambisyon maging presidente pa-pogi points na. Ewan ko lang kung nakaka-points nga kasi ang nakikita ko puro pa-pogi lang. May ginawaan pa ng blog.
Mar Roxas, Manny Villar, Loren Legarda, Ping Lacson... Sino pa ba ang maaga pa nagpapahayag na ng intensiyon na tumakbong presidente?
Ito namang si Jojo Binay na Mayor ng Makati, ang galing talagang umiwas sa tanong tungkol sa plano niya para sa 2010. Pero at least, sinabi niya na malayo pa nga naman at hindi pa niya pinagtutuunan ng pansin. Sa ngayon ay umiikot sa iba't-ibang panig ng bansa (pagpapakilala ba ito sa national level?)
At sinabi rin niya na naniniwala siyang tatakbo ulit si Erap kahit paulit-ulit na nitong sinabi na hindi na babalik sa pulitika. (Pero kung hindi daw magkaisa ang united opposition baka mapilitan siya.
Pilipinas, brace your self....
Bakit ba kasi walang nangyayari sa bansa natin? Eh kung tutuusin daig pa ang telenobela ng political system natin. May ekonomista, kaya lang gumulo ang ekonomiya. Sa sobrang teknikal, walang maintintihan ang simpleng mamamayan.. May artista, eh kaso ang problema puro cut at take two ang drama.. Maraming abogago.. este gado pala, eh wala rin.. Mas maraming sundalo, ang problema, naging mas problema!!! Subukan kaya nating maging presidente. Malay natin, tayong simpleng tao lang pala ang kailangan ng bansa.
Kung ikaw ang presidente, ano ang gagawin mo?
Sino namang never mong gagawing bise?
At ang may hands-off, back off award ay si...
Ang daming kina- career ang pulitika. Daig pa ang showbiz. Matindi nga political system natin eh, from A to Z may representative. Pero hindi naman nila ma career ang responsibilidad at pag-aayos ng pamahalaan, istraktura, edukasyon, trabaho at gutoooom! Kawawa na higit ang mahirap at simpleng mamamayan. Lalong naghihirap. Ang gagaling kasi ng nasa gobyerno eh! Sa sobrang talino, hindi nila maisip ang solusyon sa problema ng simpleng mamamayan. Kung may problema ka, at may solusyon kang maibabahagi, I-BLOG mo dito! Malay mo, ikaw na nga ang hinahanap naming presidente!
Subscribe to:
Posts (Atom)