Ang tagal pa ng election pero mga pulitiko nagsisimula nang magbrasuhan. may bumubuo na ng lineup. At ang mga nag-a-ambisyon maging presidente pa-pogi points na. Ewan ko lang kung nakaka-points nga kasi ang nakikita ko puro pa-pogi lang. May ginawaan pa ng blog.
Mar Roxas, Manny Villar, Loren Legarda, Ping Lacson... Sino pa ba ang maaga pa nagpapahayag na ng intensiyon na tumakbong presidente?
Ito namang si Jojo Binay na Mayor ng Makati, ang galing talagang umiwas sa tanong tungkol sa plano niya para sa 2010. Pero at least, sinabi niya na malayo pa nga naman at hindi pa niya pinagtutuunan ng pansin. Sa ngayon ay umiikot sa iba't-ibang panig ng bansa (pagpapakilala ba ito sa national level?)
At sinabi rin niya na naniniwala siyang tatakbo ulit si Erap kahit paulit-ulit na nitong sinabi na hindi na babalik sa pulitika. (Pero kung hindi daw magkaisa ang united opposition baka mapilitan siya.
Pilipinas, brace your self....
Bakit ba kasi walang nangyayari sa bansa natin? Eh kung tutuusin daig pa ang telenobela ng political system natin. May ekonomista, kaya lang gumulo ang ekonomiya. Sa sobrang teknikal, walang maintintihan ang simpleng mamamayan.. May artista, eh kaso ang problema puro cut at take two ang drama.. Maraming abogago.. este gado pala, eh wala rin.. Mas maraming sundalo, ang problema, naging mas problema!!! Subukan kaya nating maging presidente. Malay natin, tayong simpleng tao lang pala ang kailangan ng bansa.
2 comments:
Salamat sa iyong pagdalaw
hay sinabi mo pa nagpapapogi points na nga ang mga may balak tumakbo next election at pati mga commecial endorsement ay pinasok na para lamang magkaroon ng bango
hay ganyan talga kelan kaya mababgo ang kalakaran ng elction
thanks for shring
have great day
its nice to be here in your blog
Post a Comment